top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After 4 years, absuwelto sa pandarambong | LAYA NA SI KAP

Jeff Tumbado
Dec 8, 2018
1 min read

NOT guilty. Ito ang na­ging hatol at tuluyang pi­na­walansala ng Sandigan­bayan si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., kaugnay sa kaso nitong plun­der o pandarambong.

Sa naging desisyon ng 1st Division, pinawalan­sala si Revilla dahil umano sa ka­walan ng matibay na ebi­den­siya na direktang isina­sang­kot ito sa maanomal­yang pag­­gamit ng kanyang pork barrel fund.

Kasabay ng pag-absu­welto, inatasan naman ng korte si Revilla na magbayad ng kabuuang P124.5 million na civil liability na kailangan niyang ibalik sa National Trea­­sury.

Gayunman, iaapela pa umano ito ng kampo ng da­ting senador.

Hinatulan namang guilty sa nasabing kaso ang ‘utak’ ng scam na si Janet Lim-Napoles at maging ang da­ting staff ni Revilla na si Richard Cambe.

Parusang ‘reclusion per­petua’ o habambuhay na pag­kakabilanggo ang ipina­taw ng korte kina Napoles at Cambe.

Sa rekord ng kaso, si Re­villa ay inakusahang nag­bulsa ng mahigit P200 mil­lion kickback sa pagpapa­gamit ng kanyang pork bar­rel funds sa bogus na non-government organization ni Napoles.

Ang senador ay naku­long sa custodial center ng PNP sa Camp Crame mula pa noong 2014.

Samantala, naglagak ng piyansa si Revilla kaugnay sa kaso nito.

Labing-anim na bilang ang kinahaharap na kasong graft ni Revilla, bukod pa ang plunder case niya kung saan siya napawalansala.

Matapos makapagpi­yansa, ibinalik muli sa Camp Crame si Revilla para su­ma­ilalim sa medical examina­tions.

Sa Camp Crame na hi­nintay ni Revilla ang kan­yang release order. Sa New Bilibid Pri­son (NBP) naman da­dalhin si Richard Cambe matapos mapang guilty.

Habang si Napoles ay mananatili sa kan­yang ku­lungan sa Camp Ba­gong Diwa sa Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page