'Di raw kailangan ng awa, Aljur, pero… KYLIE, TODO-POST NG PROBLEMA SA SOCIAL MEDIA
- Nitz Miralles
- Dec 7, 2018
- 1 min read

TANONG ng mga followers ni Kylie Padilla, may pinagdaraanan daw ba ang aktres dahil sa post niya sa Instagram (IG) na “I Stopped Venting And Started Praying Because I Don’t Need Sympathy, I Need Strength.”
Walang ibang comment si Kylie, kaya clueless ang mga nakabasa and they can only offer prayers. Pero sana nga, post lang ito ni Kylie at walang ibang ibig sabihin. Masaya pa naman ang mga supporters ni Kylie sa balitang malapit na ang kasal nila ni Aljur at may prenup pictorial na nga sila.
Nagpahayag na rin ng tuwa si Robin Padilla na laging sinasabing gusto niyang makitang ikinakasal sina Kylie at Aljur.
Anyway, may balitang sa next TV project ni Kylie ay sila uli ni Ruru Madrid ang magkatambal. Ito ay ang TODA One I Love, isang political-romantic-comedy series under GMA Public Affairs na mapapanood sa GMA-7 sa first quarter ng 2019.





Comments