After ng serye ni Alden, bongga! ANDREA, BAKASYON-GRANDE SA MALDIVES ANG REGALO SA SARILI
- BULGAR

- Dec 7, 2018
- 1 min read

LOVELESS, pero hindi naman malungkot ang darating na Pasko para sa Kapuso sexy star na si Andrea Torres. Kasama naman niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Wala siyang time para magmukmok. Magiging busy nga si Andrea dahil marami siyang ‘raket’ para mag-guest sa mga out of town shows at ganu’n din sa mga corporate shows.
Bentahe na natapos ang Victor Magtanggol dahil nagkaroon siya ng bakanteng oras upang tumanggap ng mga shows. Todo-ipon si Andrea ngayon para sa kanyang summer vacation sa Maldives next year kasama ang kanyang mommy. Dream ni Andrea na makapagbakasyon sa Maldives kaya okey lang na hindi siya magbakasyon abroad sa Pasko. Ito na ang kanyang pinakaregalo sa sarili.
Wish na lang niya, mabigyan ng TV guestings sa iba pang shows ng GMA-7. Balik-Bubble Gang na ngayon si Andrea dahil tapos na ang Victor Magtanggol.
May dapat ding abangan ang mga kalalakihang nagpapantasya sa kaseksihan ni Andrea Torres. Isang table calendar na may 12 sexy photos ang ipinagawa niya na mabibili na ngayon.





Comments