WONG, PARANTAC AT GAJO NAKA-GOLD SA CHINA WUSHU

HINDI matatawaran ang galing ng mga Pinoy sa wushu at muli nilang pinakita na sila ay world class nang humakot ng 7 ginto, 1 pilak at 3 tanso sa China Wushu Championships sa Shanghai.
Pinangunahan nina Asian Games medallist Agatha Chrystenzen Wong, Jonathan Gajo, John Inso, Daniel Parantac at Thornton Sayan ang medal campaign ng ‘Pinas kung saan hinangaan sila ng mga kalaban sa kanilang natatanging angking galing sa sport na nagmula sa China. Nanalo si Wong at Gajo ng tig-2 ginto, Inso ng isang ginto at isang pilak, at Parantac sa ginto at tanso. Si Parantac ay consistent medalist sa iba’t-ibang international wushu competitions kasama ang World Wushu sa Turkey.
Nagkamedalya rin sina Dave Regala at Sandrex Gaisan sa torneo na may basbas ng Asian Wushu Federation na suportado ng PSC. “I’m really proud of them. They showed their worth and winning prowess despite strong opposition like they did in Shanghai where they were ranged against strong rivals,” sabi ni Wushu Federation boss Julian Camacho.
Sa ipinakita ng mga Pinoy napapatunayang handang-handa sila physically at mentally sa 2019 SEAG na gagawin sa ‘Pinas kung saan ang wushu ay medal achiever.
Kung matatandaan dalawang beses naging National Sports Association of the Year ng Philippine Sportswriters Association at consistent medal winner maging sa Asian Games sa Indonesia sina Wong at Divine Wally.





Comments