Rally sa paris, 400 arestado
TUMAAS pa sa 400 ralista ang naaresto at 113 ang sugatan dahil sa kabi-kabilang kilos-protesta sa Paris.
Ayon kay government Spokesperson Benjamin Griveaux, kasalukuyan nang pinag-iisipan ng pamahalaan ang mga hakbang na kanilang gagawin upang maiwasan ang karahasan.
Samantala, ang pagtaas sa presyo ng fuel ang dahilan ng pagpoprotesta ng mamamayan na umabot na ng tatlong linggo.
Noong Sabado, nasa 36,000 katao ang nagprotesta habang 53,000 naman noong Linggo at 113,000 noong nakalipas na dalawang linggo.
Nagkaroon ng emergency meeting ang mga opisyal ng bansa kahapon na ipinatawag ni French President Emmanuel Macron.





Comments