Pusher pumalag sa pulis, utas
ISANG tulak ang napatay ng pulisya makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Bacao, Gen Trias, Cavite.
Kinilala ni P/Supt. Paul Bometivo, ang napatay na suspek na si John Paulo delos Reyes, nasa hustong gulang.
Sa nakalap na ulat mula kay Col. Bometivo, alas-12:00 ng hatinggabi nang ilatag nila ang buy-bust operation laban sa suspek.
Kasama ang PDEA-PRO4A, isang operatiba ng DEU Gen Trias ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa suspek.
Agad itong pinagbilhan ng suspek at nang maiabot na ang nasabing drugs ay dito na nagpakilala itong pulis at tangkang poposasan ang suspek subalit, pumalag ito at agad na bumunot ng baril at nagtatakbong pinaputukan ang kapulisan.
Nauwi ito sa engkuwentro na tumagal ng ilang minuto hanggang sa mapatay ang suspek.





Comments