Pagsabog sa mall, 3 patay, 22 sugatan
Joy Repol Asis
Dec 6, 2018
1 min read
TATLO ang patay habang 22 ang sugatan matapos ang pagsabog sa isang shopping mall sa Kuching, Malaysia.
Ayon kay Sarawak Fire and Rescue Department Chief Khirudin Drahman, natabunan ng gumuhong pader ang mga biktimang sina O Kui Lim, Tchee Kiam Jong at Chin Hsien Loong. Nilinaw ng mga awtoridad na magsasagawa ng imbestigasyon ang mga ito hinggil sa insidente.
Kasalukuyan nang nakasara ang CityONE mall.





Comments