Labs mo, Liza, lasing daw… IBINULGAR NI JESSY: ENRIQUE, NEVER NAGSORI HANGGANG NGAYON SA PAMBABASTOS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI simpatya, bagkus ay naging sentro na naman ng bashing ang aktres na si Jessy Mendiola dahil sa pag-o-open up niya na dalawang taon siyang dumanas ng depresyon dahil sa sunud-sunod na isyu at intrigang kinaharap noon. Umabot pa sa puntong pinagtangkaan niya ang kanyang sariling buhay nang maghiwa siya mula pulso hanggang sa braso.
Kasunod nito, ibinahagi ng aktres ang sunud-sunod na isyu at intrigang pinagdaanan, na pinag-ugatan ng kanyang depresyon. Kabilang na rito ang bashing, relasyon niya sa ex-BF (na alam naman ng lahat na si JM de Guzman) at ang insidenteng kinasangkutan nila nina Enrique Gil at Luis Manzano sa eroplano, na ngayon lang niya binigyang-linaw.
September, 2015, lumabas ang airplane incident nina Jessy Mendiola at Enrique Gil. Base sa report, nakainom diumano ang aktor at binastos si Jessy. Dito na nagsimulang umawat si Luis sa pangungulit ni Enrique na sinundan ng confrontation ng dalawa.
Nilinaw ni Jessy na hanggang ngayon ay hindi pa humihingi ng paumanhin sa kanya si Enrique, pero naka-move on na raw siya.
Dito na nagsimulang maghimutok ang mga netizens at tinawag na ‘user’ si Jessy dahil ginagamit daw niya ang onscreen and offscreen partner ni Liza Soberano na si Enrique Gil para pag-usapan ang kanyang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.
Kinuwestiyon ng mga netizens ang pagsasalita ng aktres makalipas ang tatlong taon, na isinakto pa niya sa promo ng kanyang pelikulang The Girl in the Orange Dress.
Tila nagkaroon din daw ng amnesia si Jessy, dahil sinabi nitong hindi pa humihingi ng tawad si Quen sa kanya, pero nu’ng September 11, 2015, maaalalang naglabas ang aktor ng public apology sa TV Patrol at ilang beses na humingi ng tawad sa kampo ng aktres at sa Star Magic.





Comments