Kaya todo-bigay na… KIM, MARAMI NANG KARANASAN
- BULGAR

- Dec 6, 2018
- 1 min read

SOBRANG overwhelmed si Kim Chiu sa importansiya at respetong ibinigay sa kanya ng direktor ng One Great Love na si Eric Quizon at ng Regal Entertainment. May mga suggestions/ideas kasi siya habang isinu-shoot niya ang movie na isa sa mga napiling pelikula sa MMFF at nagulat nga si Kim dahil sinunod at pinakinggan naman ang kanyang mga sinabi.
Walang kiyeme si Kim sa kanyang role sa One Great Love, kaya all-praises sa kanya si Direk Eric. Ibang klaseng pagganap ang ibinigay dito ng tsinitang aktres. And it seems gusto niyang patunayan sa lahat na nakakaarte siya at isa siyang seryosong aktres.
At sa One Great Love, maibibigay nang husto ni Kim Chiu ang kanyang mga hugot at emosyon dahil naranasan na niya ang lahat ng klaseng pag-ibig.
Nakakaintriga nga dahil nabanggit niya ang ‘one-sided love’ na alam ng lahat kung sino ang aktor na kanyang tinutukoy.
Well, as of now, hindi pa raw natatagpuan ni Kim Chiu ang kanyang “one great love”.





Comments