BOSS EMONG AT TITO GENE

PINAPABORAN si Boss Emong ng mga miron at Tito Gene na mainam na pangdehado. Magaganap na ang pakarera para sa 2-year old na kabayo sa paglarga ng 2018 Philracom Juvenile Championships sa Dis. 31 sa Saddle and Clubs Leisure Park Naic,Cavite.
Ang nasabing pakarera ay bukas para sa 2-year old na mananakbo na lalahukan ng 54 kgs.sa lalaki at 52 kgs. sa babae. Nakalaan ang P2.5-M na papremyo para sa unang apat na makatatawid ng finishline.
Tatanggap bilang unang premyo ng halagang P1.5-M ang 1st. prize, makatatanggap ng P562,500 ang pangalawa, pagkakalooban ng P312,500 ang tatanghaling 3rdplacer at P125,000 ang 4th placer.
Tatanggap ng halagang P75,000 ang masuwerteng Breeder na tatanghaling kampeon.
◘◘◘
Matutunghayan ngayon ang pitong karera sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTC) at asahan na magkakadehaduhan sa Malvar-Tanauan City, Batangas.
Masasabing magiging mahigpit ang labanan sa Race 1 sa pagitan ng kalahok na couple entry na Joy Joy Joy at Heart Summer, Board Walk, Mahilig, Attila at Only You para sa panimula ng Winner Take All (WTA).
Pinagpipilian ang Chocolate Thunder ng JA.S. Rabano Stable at Morning Girl na entry ng R.V Villoria Stable sa Race 2 na panimula ng Pick 6. Nakalalamang naman sa Race 3 ang entry ng J.M. Lapus stable na Parthenon, habang may panalo ang kalahok na Superlative at Tipping Point at couple entry na Total Defiance.
Sa race 4 na panimula ng Pick 4, ipinapatok ang Boss Emong kontra sa kalahok na Kuting ng A.S. De Jesus. Binibigyan ko ng malaking panalo ang Tito Gene ng M.B. Villasenor stable, laban sa iba pang kalahok na This Time, Beacon Street, Noble Run, at Gentleman Jim sa 5.
Sa Race 6, ipinapatok ang Yssa’s Will ng W.R. Gamboa Stable at paglalabanan nina Rosario Princess, Taranasakalyos at Yoshiko sa Race 7 na magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4.
Race 1: WTA (1-7)2-3-6/2-4/4/8/1-5-7-4/4/4-7-9: Pick 6(2-7)2-4/4/8/1-5-7-4/4/4-7-9: Pick 5(3-7) 4/8/1-5-7-4/4/4-7-9. Pick 4(4-7) 8/1-5-7-4/4/4-7-9





Comments