top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

AMIT AT CENTENO, LALARGA SA WOMEN’S WORLD 9-BALL STAGE 2

Eddie M. Paez, Jr.
Dec 6, 2018
1 min read

SASARGO na ngayong Huwebes, Disyembre 6, ang stage 2 ng ginaganap na 2018 Women’s World 9-Ball Cham­pionships kung saan 64 ka­babaihang bilyarista ang may tsansa pang makaakyat sa trono ang hinati sa walong pangkat sa loob ng Sanya Sports Center Gym sa Lung­sod ng Sanya, Hainan Pro­vince, China.

Nasa Group B ang 2-time world 10-ball champion na si Rubilen Amit ng Pili­pinas samantalang ang SEA Games titlist at kababayang si Chezka Centeno ay naka­salang sa Group C ng kom­pe­tisyong magkakaloob ng USD 175,000 sa mga maka­kapasok ng winners’ circle at isinasaayos ng Chinese Billiards & Snooker Asso­ciation at Beijing Guoao Zhonghe Culture Company.

Kasama sa mga nag-a­ambisyon sa korona bukod kay World Pool Billiards Association (WPA) no. 8 na si Amit at WPA no. 17 na si Centeno ay ang mga pina­kamalulupit na manunum­bok sa iba’t-ibang parte ng mun­do tulad ng Great Bri­tain, Japan, Korea, Indo­ne­sia, Ve­nezuela, Belarus, Rus­sia, Aus­­tria, Argentina, Slo­venia, Poland, New Zealand, Sin­ga­pore, Spain, Canada, Por­tu­gal, ang Taiwan na may ki­natawang 7 manlalaro at ang punong-abala na China na may 21 kalahok sa final 64.

Kasama sa mga promi­nenteng kalahok sa paligsa­han ang pinakamalupit na bil­yaristang babae na si Chen Siming ng China (WPA no. 1), Taiwanese Chou Chieh Yu (WPA no. 2), Han Yu mula pa rin sa China (WPA no. 3), GBR ace Kelly Fisher (WPA no. 6), Korean Kim Ga-young (WPA no. 9) at ang mga perennial con­ten­ders na sina Jasmin Ouschan ng Austria, Korean Park Eun-ji at ang British na si Alison Fisher.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page