Sa mga walang nebulizer diyan, read n’yo‘to, dali! ITLOG NG PUGO, EPEKTIB NA PANLABAN SA ASTHMA!


DEHINS mo na ba kaya ang iniinda mong asthma? Don’t worry, lodi, dahil knows ba ninyong ang itlog ng pugo ay epektibo umanong panlaban sa asthma at iba pang sakit?
Wow!
Sinabi ng mga dalubhasa na ang pagkain ng itlog ng pugo ay hindi lamang punumpuno ng protina kundi marami pa itong naidudulot na maganda sa ating kalusugan.
Marahil, hindi alam ng karamihan kung ano ang kayang maibigay nito, pero tiyak na matutuwa kayo kapag nalaman n’yo na ang mga ito.
Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang itlog ng pugo ay nakapi-prevent ng pagkakaroon ng hika, kaya dehins na kailangang mangamba ng mga mayroong asthma riyan.
Bukod pa rito, nakabu-boost ito ng immunity at libido, gayundin na nai-improve nito ang kalidad ng ating buhok.
Samantala, good news para sa mga allergic sa itlog ng manok dahil ito na ang sagot n’yo sa inyong mga problema. He-he-he!
Gayunman, ang itlog ng pugo ay mayroong anti-inflammatory properties na makatutulong upang maiwasan natin ang pamamaga ng ating internal organs.
Pero, ang paalala ng mga eksperto, maghinay-hinay sa pagkain nito dahil baka masobrahan tayo. Kumain ng sapat para sa ating kalusugan. Okay?
Oh, sa mga lumuluwas diyan nang madalas, bumili na kayo ng itlog ng pugo sa bus at huwag na kayong mag-alinlangan pa.
He-he-he! Gets mo?





Comments