Kelot natagpuang patay
Pabs Hernandez III
Dec 5, 2018
1 min read
NAGA CITY—Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng vulcanizing shop sa Bgy. Concepcion Pequeña sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Carpio San Esteban, residente ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ni San Esteban ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung nagpakamatay o may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.





Comments