Ibinulgar ng aktres… DENNIS, GINAGAWANG KATULONG NI JENNYLYN SA BAHAY
- BULGAR

- Dec 5, 2018
- 1 min read

ITINANGHAL si Jennylyn Mercado na Female Endorser of the Year sa katatapos lamang na 2018 Comguild Academes Choice Awards. Ginanap ang ceremony last Sunday sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.
With the vote percentage of 30.77, si Jen ang nanalo mula sa boto ng mga Board of Judges composed of deans, chairpersons and other members of the academe from different college and universities nationwide.
Maganda ang pagtatapos ng taon ni Jennylyn dahil sa rami ng kanyang blessings. Bukod sa nakatakda siyang gumawa ng 2nd movie niya sa Star Cinema kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez and JM de Guzman, ang ganda pa ng takbo ng kanyang sinimulang online cookie business na Chunky Dough. Dinadagsa ito ng orders kaya kinailangan na niyang kumuha ng assistant.
Ayon kay Jen, umaabot sa 700-800 ang orders ng cookies niya sa isang araw. Tuwing Sunday lang siya nakakapag-bake kaya gumigising siya nang madaling-araw.
Good thing, minsan ay tinutulungan naman daw siya ng boyfriend na si Dennis Trillo sa pagbe-bake, na by the way ay kasosyo rin ni Jen. Hindi kami magtataka kung isang araw ay magtayo na talaga ng physical store si Jen para ma-accommodate ang dami ng customers at para rin fresh na nilang makukuha ang kanilang cookies.





Comments