“STANDBY LANG MUNA SI BLATCHE, EASY LANG”- GUIAO


HINDI pinagsisisihan ni coach Yeng Guiao sa hindi pagkakasama ni Andray Blatche sa Gilas Pilipinas pool para sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers, kahit na nakapanlulumong 0-2 lang ang record ng Pilipinas sa laro.
Sa halip, ang men’s national basketball team head coach ay mas pinili na isabak si Stanley Pringle sa laro kontra Kazakhstan habang si Christian Standhardinger ay kontra Iran. Hindi naglalaro si Blatche, ang naturalized Filipino center sa lahat ng mga naging laro ng national team para sa FIBA qualifying.
Kasunod ng 92-88 na pagkatalo sa Kazakhstan, at 78-70 setback sa Iran, iginiit ni Guiao na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang ginawang desisyon. “No regrets kami. Once you make that decision, you should take all the responsibility. Wala namang balikan at sisihan diyan. So, ganu’n lang ‘yun,” aniya.B inanggit pa ni Guiao na magandang laro rin ang ipinakita ni Standhardinger kontra Iran, na may 17 points at 8 rebounds sa 32 minuto ng aksiyon. Si Pringle na rin ang nag-angat sa opensa ng team kontra Kazakhstan sa nakaraang mga laro.
Standby pa rin naman si Blatche at maaring maging opsiyon sa team sa 6th window ng qualifiers sa Pebrero 2019. (MC)





Comments