Dalagang laking iskuwater kaya dehins bet magpaligaw sa classmate na mayaman

Dear Roma,
Gusto kong humingi ng advice sa inyo tungkol sa lovelife ko. May nagkakagusto sa akin, pero hindi kami magka-level dahil langit siya at lupa ako, kaya naisip ko na kahit sagutin ko siya ay mapupunta lang din kami sa hiwalayan. Sa ngayon, gusto niyang manligaw, pero hindi ko pa alam ang isasagot ko. Ako ay 15 years old. Sana, matulungan ninyo ako. Thank you! — Jesiree
Jesiree,
Sa totoo lang, sis, hindi mo dapat pinangungunahan ang panahon. ‘Ika nga ng iba, just go with the flow. Kung type mo naman ang lalaking gustong manligaw sa’yo, eh, di payagan mo. Ang pagmamahal, walang pinipiling estado ‘yan, ‘yun ang palagi mong tatandaan. Okay? Alam kong malalagpasan mo ‘yan. Aja, fight! Good luck!





Comments