top of page
Pokwang.jpg

After ng hiwalayan ng parents… ANAK NINA ROMNICK AT HARLENE, NAGSALITA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2018
1 min read

MAY boyfriend na pala ang 18-year-old na panganay na anak nina Harlene Bau­tista at Romnick Sarmenta na si Zeke. Childhood friend daw niya ito, isang Pinoy, pero nag-aaral abroad.

Old-fashioned daw ang style ng pan­liligaw ng guy at nagpaalam muna sa kanyang parents kaya tanggap agad nina Harlene at Romnick.

Nag-aartista na rin si Zeke at bale second movie na niya ang pelikulang Rain­bow’s Sunset na kasali sa MMFF 2018.

Bale second time na rin niyang naidi­rek ni Joel Lamangan na direktor ng una niyang movie under Heaven’s Best Productions, ang KanKan. Sobrang natakot at ninerbiyos siya noon kay Direk Lamangan.

Sa Rainbow’s Sunset, gumaganap si Zeke bilang anak ni Tirso Cruz III at apo nina Gloria Romero at Eddie Garcia. Masaya siyang nakasama ang magaga­ling na artistang tulad nina Aiko Melen­dez, Sunshine Dizon, Max Collins, atbp. sa Rainbow’s Sunset.

Komportable nang humarap sa entertainment press si Zeke Sarmenta. Kahit na may malalaking problemang pinagda­raa­nan ang kanyang parents na sina Harlene at Romnick, hindi siya umiiwas sa media. Hindi naman daw nagbago ang pagtingin sa kanila ng kanyang Daddy Romnick. Ma­ganda raw ang set-up at napaka-cool ng kanyang parents.

Nag-aartista man, priority pa rin ni Zeke ang pag-aaral.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page