FANGIRL ni : Donnach

Mahirap maging fangirl, punta rito, punta roon at kahit walang pera, sige lang sa lakwatsa makita lang ang idolo mong kay guwapo’t kay ganda.
Lalo na kapag kinilala kana nila, hindi mo alam ang gagawin, parang isang panaginip na hindi mo inaasahang darating.
Masayang maging fangirl lalo na kung bukal sa puso mong sila ay mahalin.
Kaya hindi dapat nilatayo ismolin sapagkat tayo ang nagbibigay sa kanila ng ningning.
‘Ika nga nila, hassle maging fangirl dahil sa bitbit-bitbit na tarpaulin, pa-ilaw, lobo at marami pang iba.
Pero, ano ba ang kiber nila? Ang mahalaga ay nananatili tayong nakasuporta.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments