Dagdag-tax sa petrolyo, magkakaalaman na
- BULGAR

- Dec 3, 2018
- 1 min read
SUNUD-SUNOD ang rollback kaya namumurong matuloy ang dagdag-tax sa petrolyo.
Batay sa rekomendasyon ng economic managers, huwag nang ituloy ang suspensiyon ng excise tax sa oil product na magsisimula sa Enero ngayong susunod na taon.
Gayunman, ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala at maaaring matalakay sa cabinet meeting, bukas.
Ayon sa mga economic manager, sapat nang dahilan ang patuloy na bumababang presyo ng mga produktong petrolyo sa pan-daigdigang pamilihan para ituloy ang nasabing dagdag-tax.
Samantala, tinatayang nasa mahigit P43 bilyong pondo umano ang maaaring mawala sa kaban ng bayan kapag itinuloy ang suspensiyon sa paniningil sa excise tax sa oil product.
Anuman ang maging resulta ng meeting sa pangulo, pagbigyan man ang rekomendasyon ng mga maalam sa ekonomiya o hindi, sana, isang bagay ang manaig at ‘yun ay ang ikabubuti ng lahat.





Comments