top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BARRIGA, TALO KAY LICONA SA SPLIT DECISION UNDERCARD

MC / ATD
Dec 3, 2018
1 min read

NABIGO si Filipino contender Mark Anthony Barriga sa kanyang unang pagtatangka para sa worldcrown nang matalo kay Carlos Licona ng Westminster, CA sa Staples Center sa downtown Los Angeles kahapon sa undercard ngDeontay Wilder vs Tyson Fury world title fight. Dalawang judges ang nagbigay ng iskor na 115-113 para kay Licona habang ang isang judge ay may 115-113 para kay Barriga. Sa naturang panalo, naangkin ni Licona (14-0-0,2KOs) ang IBF world minimum weighttitle at diniskaril ang pangarap ni Barriga nang ipalasap ang unang professional loss sa lagpak na record na 9-1-0, 1KO. Ang Barriga-Licona ay pinanood nalamang ng ilang boxing fans dahil nagsiuwi na ang karamihan sa venue matapos ang maingay at exciting na Wilder-Fury matchup na siyang talagang dinumog ng manonood. Samantala,humantong sa split-decision draw ang bakbakan nina Deontay “The Bronze Bomber” Wilder at Tyson“The Gypsy King” Fury sa Showtime PPV kahapon sa Staples Center sa kanilang best heavy weight fights sa nagdaang maraming taon. Matapos makontrol angWBC World Championship fight sa kaagahan ng bakbakan, nakatakas si Fury (27-0-1, 19 KOs) sa dalawangknockdowns na ibinigay ni Wilder (40-0-1, 39 KOs) kabilang na ang eksplosibong isang bagsak sa round 12 sa naturang draw. Umiskor ang judges ng 115-111 para kayWilder, 114-112 para kay Fury at 113-113.“I think with the two knockdowns I definitely won the fight,” ani Wilder, na nakapagtalang knockdown sabawat 41 niyang profights at nadepensahanang kanyangWBC belt sa walongbeses mulanoong 2015.“We poure dour hearts out tonight.We’re bothwarriors, but with those two dropsI think I won thefight.” Ibanaman ang naging pananawni Fury at aniya ibinigay niya ang lahat ng lakas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page