top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayon sa mga eksperto... PAGSAKAY SA MOTOR, NAKAKAPAYAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 1 min read

MARAMI samga lodi natin ngayon ang mas gusto nang gumamit ng motorsiklo dahil mas mabilis itong gamitin kumpara sa mga sasakyan na hindi nakasisingit sa kalsada tuwing nagbabadya ang matinding trapik. Bukod pa rito, ayonsa mga eksperto,ang pagmomotor aymay mga nakamamanghang maidudulot sa ating kalusugan. Amazing!

Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang pagsakay sa motorsiklo ay nakagaganda umano ng posture dahil mas nai-improve nito ang ating neck at corestrengths, gayundin ang stronger muscles at butubuto natin. Gayunman, ang pag-momotor ay nakapagbibigay ng benepisyo sa pisikal, mental at emosyunal nating kalusugan.

Ito ay dahil ang pagsakay sa motor at pag-roroadtrip natin ay isa sa mga mabisang paraan ng pisikal na ehersisyo at nakapagbibigay ito ng peace of mind sa atin, kaya nakatutulong din ito sa pagtakbong ating utak. Dagdag pa rito, sa mga lodi natin diyang matagal nang New Year’s Resolutio nang pagpapapayat, baka ito na ang pagkakataon ninyo upang matupad ito. Ayon sa mga eksperto, ang pagmomotor ay nakabe-burn ng calories at umaabot sa 50 porsiyento ang nababawas nito sa ating taba, lalo nakung tirik ang araw at pinagpapawisan tayo. Dahil du’n, nadi-decrease nito ang ating insulin level. Paniguradong magandang balita ito para sa mga nagmomotor. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga lodi? Halika na at mag-road-trip na tayo! Gets mo? He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page