top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kinausap na raw ang mga anak… SHARON, UMAMING GUSTUNG-GUSTO NANG IWAN SI SEN. KIKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2018
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PINALAGAN ni Megastar Sharon Cuneta ang balitang diumano’y hindi kumita ang comeback movie nila ni Richard Gomez na Three Words to Forever dahil naka-P6.5 million lang ito sa opening day last November 28.

Sa ginanap na blogger’s con­ference ng Three Words to Forever last Nov. 29, dume­pensa si Mega at sinabing, “pet­sa de peligro” kasi ang kanilang showing date kaya wala pang pera ang mga manonood.

Ipinagsigawan din niyang hindi sila nag-panic dahil hin­di raw flop ang kanilang pi­nag­­hirapang pelikula.

Ani Mega, “Hindi kami nagpa­­-panic because it’s not a flop.

“We’ve had movies like this before. Relax lang kami because it’s a beautiful movie.”

May rebelasyon din si Me­ga­­star Sharon Cuneta patungkol sa relasyon nila ng kanyang mister na si Sen. Kiko Pangi­linan, dahil tila relate na relate raw siya sa pelikulang ginawa.

Ang kuwento kasi ng mo­vie ay patungkol sa mag-asawang gusto na sanang maghi­walay. Kaya nang tanungin si Mega, umamin ito at sinabing ilang beses na siyang nagtangkang iwan ang kanyang mister.

Umabot na rin daw siya sa puntong kinausap na niya ang kanyang mga anak patungkol dito.

Aniya, “Come to think of it, parang ‘yung nangyari sa movie na si Cristy, parang ganu’n rin sa amin [ni Kiko]. Dahan-dahan na nililigawan siya uli si Rick na pasimple. Sinisilbihan niya, pinapakita niya na, ‘Mahalin mo ako uli.’ Pero this time, ang nag-effort ay kaming dalawa.”

Dagdag pa nito, “My husband, every single night ‘pag maaga siya umuuwi, since the day we got married, he lights the candles and prays outside, siya mag-isa.

“He has a prayer area. Saka kami, we pray all the time as a family.

“It’s important! We eat together, we’re such a family na we are strong as a family.

“I realized that, ‘I can’t live without you, you dork!’

“We’re like that! We just hug and you know we cried, it’s the same over and over again.

“He says, ‘I prayed for you and I say, ‘I prayed for you, too.’ I was already looking for a real relationship so by the time that he came along, naramdaman ko ‘yun,” kuwento nito.

Kaya, kahit ilang beses nang sumagi sa isip niya ang hiwalayan, pareho nila itong pinaglalabanan para maisalba ang kanilang nanghihinang relasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page