top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kasal, tuloy na talaga... PRENUP PHOTOS NINA ALJUR AT KYLIE, KALAT NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2018
  • 2 min read

MUKHANG very, very soon na ang kasalang Aljur Abrenica at Kylie Padilla base na rin sa latest Instagram post ng aktres.

Nag-post si Kylie ng larawan nila ni Aljur in formal outfits at sa caption ay nakalagay na katatapos lang nila ng prenup shoot. Kasama rin nila sa picture ang production team na in-charge sa nasabing shoot.

“Thank you so much to this team we had our official prenup pictorial and video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!! Thanks guys. Kunin ko kayo sa mga future films and projects ko, ah. Naks,” ang caption ni Kylie.

Ini-repost naman ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla at ipinahayag ang kasiyahan sa nalalapit na kasal ng anak.

“Alhamdulillah! Praise God napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito @kylienicolepadilla Nasa iyo anak ko ang malalim kong paggalang at paghanga.

“Saludo ako sa pag-ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo. Mas­yado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay.

“Maraming salamat sa iyo o aming Nag isang Dios na lumikha AMEEN!” ang caption ni Robin.

Matatandaang the moment na nabuntis si Kylie kay Aljur ay talagang gustung-gusto na ni Binoe na ikasal ang dalawa’t matagal niyang hindi kinibo ang mga ito dahil dito.

A few months ago pa na­ging maugong ang tsikang ikakasal na nga sina Kylie at Aljur dahil umuwi pa rito sa ‘Pinas ang ina niyang si Liezl Sicangco para personal na makilala ang aktor.

Bukod dito, matatan­daan ding napabalita ka­makailan na ipinakilala na rin ni Aljur si Kylie sa pa­milya niya. That time ay may sitsit na ngang lumala­bas na inaayos na ang kasal ng dalawa kaya nag-meet na ang pami-pamilya nila.

Napabalita ring Nov­ember ang kasal ng dalawa via civil rites sa Bataan although wala namang kum­­pirmas­yon kung totoo nga.

Anyway, wala pang ina­anunsiyong date ng kasal sina Aljur at Kylie, but from the looks of it, malapit na malapit na itong maganap.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page