WOOLOOMOOLOO, ZOPHANY DANE AT HIROSHIMA, MGA PATOK

IHAHANDOG bilang panimula ng karera sa Metro Turf ang 3 year old and above Maiden race na lalahukan ng mga baguhang mananakbo sa Malvar-Tanauan City,Batangas.
Pinapaboran ang Wooloomooloo na isang imported na kabayo mula Australia, makakalaban ang mga kalahok na Boodle Fight at Plus, na entry ni Atty N. O Morales at Picacho ni Eng. Ferd Sevilla Jr. sa race 1 kasabay ng 1St,Pick 5.
Susunod na matutunghayan ang Philracom-RBHS race, na panimula ng 1St.WTA event, at pinapaboran ang Cool Toto kontra sa Princess Wynette at makakalaban din ang couple entry na Savior at Gee’s Queen.
Ipinapatok naman ang Zophany Dane, na isang imported na mananakbo mula sa Australia sa race 3. Gayundin ang kabayong si Hiroshima sa entry Raymund Puyat sa race 4.
Mahigpit naman ang labanan na magaganap sa race 5 sa pagitan ng Malatan Og Falls ni Willy T. Tan,Boss Emong, na entry ng Ev M Diokno,ang Couple entry na A Certain Smile at Joyous Solution ng entry naman ng AK G Castro.
Pinapaboran ang kalahok na Sta.Monica One at makakalaban nito ang entry na Winning Move ng EV Pangilinan Stable sa race 6.
Pinapatok ang Holy Bullea, na entry ng A.G.Reyes III sa race 7 at mahigpit naman ang labanan sa pagitan ng mga kalahok na Reigning Jewel,Gee Prize, Rise Up, Polilio Island at Sky Marshall sa race 8.
Susundan ng race 9 na paglalabanan ng mga kalahok na Cinco Del Drinco, Beacon Street, couple entry no.4 at entry number 6. Ipinapatok ng mga miron ang entry ng MG Yoro Stable si Munich sa race 10.





Comments