Most wanted criminal nasakote
Pabs Hernandez III
Dec 1, 2018
1 min read
QUEZON—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Villa Padua, Gumaca sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Virglio Merano, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Merano sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.
Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments