top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit wala raw sa script… KIM, KUMANTA SA GINAWA NILA NI JC SA BATHTUB

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2018
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY rebelasyon naman si Kim Chiu patungkol sa daring scene nila ng aktor na si JC de Vera para sa pelikulang One Great Love na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018 kasama ang Kapuso actor na si Dennis Trillo at mula sa direksiyon ni Eric Quizon.

Inamin ni Kim na ang trending bathtub lampungan nila ni JC ay hindi talaga kasama sa script ng pelikula.

Aniya, “Actually, wala sa script ‘yung bathtub scene na ‘yun. Ang ganda lang ng bathtub du’n sa yate, so sabi ni direk, ‘Go! Bago dumilim!’”

Kaya natuwa sila na maganda ang kinalabasan ng impromptu scene nila ni JC.

Excited na raw ang aktres na mapanood ng mga moviegoers ang pelikulang kanilang pinaghirapan, dahil maraming eksena pa raw ang ikagu­gulat ng manonood at kailangang abangan.

Sey ni Kim, “Marami kayong panggugulatan pero lahat ‘yun, nangyari siya dahil may dahilan na kailangan sa eksena. Marami pa silang mga eksena na magugulat sila.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page