HOROSCOPE | DISYEMBRE 1, 2018 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEMBRE 1, 2018 (Sabado): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang dahil sa pagsisikap mo, ikaw ay makatatanggap ng mga espesyal na biyaya mula sa kalangitan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maluwag at walang mabibigat na pagsubok ang landas ng buhay na iyong lalakaran dahil nagpasya ang langit na hawiin ang mga balakid sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-31-33-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ngayon ng langit. Ibibigay Niya ang mga kahilingan mo na matagal mo nang gustong mangyari. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magdududa sa ginagawa mo sa kasalukuyan. Ang anumang pag-aalinlangan ay hindi makabubuti para sa iyo. Maging positibo ka sa lahat ng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-25-30-37.
CANCER (June 21- July 22) - Lalapitan ka ng taong nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay gawin niyang bahagi ng kanyang buhay kung saan kapwa ninyo matitikman ang maraming suwerte na guguhit sa inyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-22-25-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit ang pinakagusto mo. Kahit may pagkaimposible, mangyayari pa rin ang mga ito para sumaya ang araw mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-10-18-27-41-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang masaya kahit kunwari lang. Magugulat ka dahil talagang sasaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-21-29-31-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga pinagdaanan mong pagsubok sa buhay. Makaaasa ka na kahit gaano kabigat ang problemang iyong mararanasan, malalagpasan mo ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-23-38-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong kuwarto at magugulat ka dahil ang naggagandahang kapalaran ang biglang magsisidapo sa iyo. Gawin mo na ito ngayon! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-20-25-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Sa ganito, ang magagandang kapalaran ay mag-uunahang pumasok sa iyong buhay kaya magtutuluy-tuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-28-29-33-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo ang mga pagsubok, ganu’n lang kasimple! Kapag hinarap mo ang mga ito, kusang mag-aalisan ang mga malas sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-22-26-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na aalis sa buhay mo ang mga taong walang magandang motibo sa iyo. Makikita nila na sila ang maaagrabiyado kapag nagpatuloy ang ugnayan ninyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa maliliit na suwerte manggagaling ang iyong kayamanan. Kayamanang sa huli ay halos hindi mo na mabilang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-24-26-31-45.




Comments