Driver sugatan sa van vs. pick-up
- Pabs Hernandez III
- Dec 1, 2018
- 1 min read
KORONADAL CITY—Isang driver ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong van sa pick-up, kamakalawa sa Bgy. Paraiso sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Valeriano Ipil, residente ng Polomolok, South Cotabato.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Ipil sa pagmamaneho ng van kaya bumangga ito sa kasalubong na pick-up na minamaneho naman ni Virgilio Rosal, nakatira sa Sto. Nino, South Cotabato.
Dinala ng mga saksi si Ipil sa ospital, samantalang, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may pananagutan sa naganap na aksidente si Rosal.





Comments