Chairman tepok sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Dec 1, 2018
- 1 min read
CAMARINES SUR—Isang drug pusher na barangay chairman ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. Comadaycaday, Del Gallego sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Chairman Jose Legazpi ng Bgy. Penafrancia sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Legazpi na mga pulis ang katransaksiyon nito sa drug deal kaya pinagbabaril nito ang mga awtoridad.
Agad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments