top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mga diabetic read n‘yo ‘to dali! PAGLIGO SA MALIGAMGAM NA TUBIG, EPEKTIB NA PAMPABABA NG SUG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 1 min read

BET na bet ba ninyo ang hot baths dahil ito ay nakare-relax at nakababawas ng stress? Pero, knows ba ninyo na hindi lang ito basta pantanggal ng stress kundi nakai-improve rin ito ng inflammation at nakapagpapababa ng blood sugar level? Amazing!

Isang pag-aaral sa Loughborough University sa England ang isinagawa sa mga kalalakihan na na-diagnosed na overweight. Ang mga kalahok ay pinaligo gamit ang 38°c na tubig at pinagbabad ang mga ito sa loob ng isang oras.

Upang ma-monitor kung may pagbabagong mangyayari sa mga kalahok, kinuhanan muna ng blood samples ang mga ito bago simulan ang pagsusuri.

Bukod pa rito, inire-record din ng mga re­searcher ang heart rate, blood pressure at body temperature ng mga ka­lahok kada-15 minuto sa loob ng isang oras na ses­­sion.

Bago isagawa ang pangalawang blood test, ang mga kalahok ay pa­tuloy pang nagsasagawa ng sampung session sa loob ng dalawang linggo.

Lumabas sa resulta na ang isang hot bath session ay nakapagpapataas ng inflammatory chemical na IL-6 sa dugo.

Gayundin, nakapagre-release ito ng nitric oxide na nakare-relax ng blood vessels, kaya buma­baba ang ating blood pressure. Matapos ang sampung session ng hot bath, ang blood sugar at insulin level ng mga kalahok ay bumaba rin.

Kaya naman, inirerekomenda ng mga eksperto ang long hot bath sa mga taong mayroong high blood pressure.

Kaya mga beshy, hot bath is the key! Have a good bath, okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page