top of page

Kaya no show sa premiere night ng movie nila… IBINUKING NI GOMA: LUCY, AYAW MASAPAWAN SI SHARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MASAYA si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa naging resulta ng kanyang comeback movie na Three Words to Forever. Ito rin ang pagbabalik-tambalan nila ni Sharon Cuneta after 15 years.

Sa mga interviews, very open naman na inamin ni Mega na naging magkarelasyon sila ni Goma nang halos 7 years, pero on and off ang kanilang naging pag-iibigan.

Sa premiere night ng peliku­lang Three Words to Forever na ginanap nitong Miyerkules (November 28), kapansin-nasabinpansin na hindi nila kasama ang kanilang mga asawa bilang date sa g event. Agaw-pansin din ang pagho-holding hands ng dating mag-sweetheart kahit na kasama at kaharap lang nila ang kanilang mga anak.

Kaya nang tanungin si Goma, inamin niyang hindi talaga pumupunta ang kanyang misis kapag may ka-love team siya sa pelikulang ginawa, dahil baka masapawan lang nito ang kanyang leading lady at maudlot ang kilig ng mga fans.

“Si Lucy, kapag ‘yung movie ko, kunyari, may ka-love team, hindi talaga siya pumupunta. Siyempre, para hindi ma-disturb ‘yung mga fans. Kami ni Dawn [Zulueta], meron kaming movie [noon] na Love Affair, ‘di rin pumunta si Lucy doon. [Ngayon], ‘yung movie namin ni Sharon, ganu’n din. Ayaw niyang naiistorbo ‘yung mga fans, gusto niya ‘yung fantasy [nila], ‘andoon,” pahayag nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page