Kahit naihahambing ito sa sipon, lodi! BENEFITS NA MAKUKUHA SA PAGKAIN NG OKRA, ALAMIN!
- No Problem
- Nov 30, 2018
- 2 min read

MARAMI sa atin ang ayaw kumain ng okra dahil sa texture nito na maihahambing sa sipon, pero knows ba ninyong marami itong naibibigay na maganda sa ating kalusugan?
Kaya huwag na tayong mag-inarte, mga beshy! Narito ang ilang benefits na makukuha sa pagkain ng okra:
1. IT IMPROVES HEART HEALTH CONDITION. Ayon sa pag-aaral, nakapagpapababa raw ang okra sa pagkakaroon ng cardiovascular disease dahil sa taglay nitong pectin na nakare-reduce ng high blood cholesterol.
Kaya hindi dapat pinandidirihan ang pagkain nito, lalo na ngayong maraming pagkain na ang nauuso na hindi naman makabubuti para sa kalusugan natin.
2. IT KILLS BREAST CANCER CELLS. Ito ay dahil sa lectin na mayroon ang okra na nakapapatay ng breast cancer cells ng 63 porsiyento. Kaya para maagapan ang pagkakaroon ng malubhang sakit, ugaliing kumain ng gulay at prutas lalo na ng okra.
3. HELPS IN PREVENTING LIVER DISEASE. Ang liver ay isa sa mga importanteng parte ng human organs at dahil sa Vitamin K na nagpo-produce ng protina, pinoprotektahan nito ang ating liver sa banta ng iba’t ibang klase ng sakit.
Dagdag pa rito, huwag masyadong uminom ng alak nang sa gayun ay hindi napeperhuwisyo ang organs natin sa katawan tulad ng atay.
Kung iinom ng alak, mainam na moderate lang at hindi magiging lasengga at lasenggo tulad ng iba.
4. HELPS IMPROVE EYESIGHT. Hindi lang pala kalabasa ang nakapagpapalinaw ng mga mata dahil kahit ang okra ay kaya itong gawin.
Sa pag-aaral, natuklasan ng mga eksperto na ang Vitamin A at beta-carotene na mayroon ang okra ay essential nutrients upang mamantina ang pagkakaroon ng good eyesight.
Sa ngayon kasi, kahit ang mga bata ay nakasalamin na rin sa gadgets na hindi nila mabitaw-bitawan na nakasisira sa kalusugan ng kanilang mga mata.
Kaya ang payo natin sa mga magulang, bukod sa pag-inom o pagkain ng mga masusustansiyang gulay nila bagets, balansehin din sila sa paggamit ng computer, smart phone at marami pang iba.
5. RICH SOURCE OF CALCIUM. Bukod sa gatas, ang okra rin ay mayaman sa calcium kaya para sa mga humihina na ang butu-buto riyan, alam n’yo na, ha? He-he-he! Huwag nating hayaang kahit bata pa tayo, eh, nakikipagsabayan tayo kina lola at lolo sa pagsakit ng kanilang mga kasu-kasuan.
Huwag lang pagandahin ang pisikal na hitsura kundi maging ang kalusugan ay panatilihing maganda. Okay ba?
Oh, ayan, mga beshy, kumain na ng okra simula ngayon para sa mas better na pangangatawan. Copy?





Comments