top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Finally, mame-meet mo na si Mr. right, sis! BABAENG SA SANDALING SAGUTIN SI MR. TAURUS AY TIYAK NANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2018
2 min read

Dear Maestro,

Dalawang beses na akong nabibiyuda at hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong mag-asawang muli.

Pero, may mga man­­liligaw ako at tatlo sila. Una ay si Mr. Taurus na may birthday na May 5, 1980, ang pangalawa ay si Mr. Aquarius na may birthday na February 13, 1985 at ang pangatlo ay si Mr. Aries na may birthday na April 12, 1982.

Sino ba sa kanilang tatlo ang ka-compatible ko na dapat kong sagutin para habambuhay na akong maging maligaya?

August 28, 1982 na­man ang birthday ko. Nais ko ring malaman kung ano ang masusu­werte kong numero dahil min­san ay tumataya rin ako sa lotto?

Umaasa,

Clara ng Dalig, Balayan, Batangas

Dear Clara,

Ayon sa birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+ 0=) at sa zodiac sign na Virgo, higit mong ka-com­patible si Mr. Taurus na isinilang noong May 5, 1980 kung saan ang zo­diac sign niyang Taurus at Virgo ka naman ay sad­yang suwetung-suweto sa isa’t isa.

Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Virgo na may ruling planet na Mer­cury ay taglay ang nume­rong 5 na siyang birth date ni Mr. Taurus.

Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatu­luyan at nag­sama, sigurado na ang ma­unlad, maligaya at pang­habambuhay na relasyon.

Samantala, bukod sa sarili mong mga numero na 1, 10, 19, 28, 37 at iba pang numero na may su­matutal na 1, sinasabing ikaw din ay mapalad sa lahat ng mga numero na may sumatutal na 4 at 5 tulad ng 13, 22, 31, 40, 14, 23, 32, 41 at iba pang ka­uri nito.

Maaari mo ring subu­kan ang 1, 19, 26, 34, 41 at 42, gayundin ang 1, 17, 28, 34, 38 at 40.

Upang masigurado ang malaking panalo sa anumang uri ng pakiki­pagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na ma­lapit sa paradahan o pa­liparan ng eroplano o kaya ay paradahan at daungan ng mga barko, puwede rin ang lotto outlet na mala­pit sa MRT-LRT o parada­han ng mga bus kung saan sa nasabing lotto outlet mo makukuha ang iyong dambuhalang panalo hi­git lalo sa mga piling bu­wan ng Oktubre o kaya ay Mayo sa mga taong pa­borable sa iyong kapala­ran tulad ng 2019, 2028 o kaya ay 2034.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page