'Di kinaya ng madlang pipol… SOPHIE, BINANSAGANG BLACK SHEEP OF THE YEAR
- Nitz Miralles
- Nov 30, 2018
- 1 min read

EFFORTLESS ang pagnanakaw ng eksena ni Sophie Albert sa mga kasama niya sa Pamilya Roces. Pagiging jologs, palaban, witty dialogues at professionalism lang ang panlaban niya at tumatak na siya sa mga sumusubaybay sa dramedy ng GMA-7.
Concerned ang mga viewers sa nangyari sa kanya pagkatapos mabaril dahil hindi pa alam sa last Wednesday episode kung buhay o patay na siya.
Hinanap ng mga viewers si Amber (Sophie) at gusto nilang malaman kung buhay pa siya. May title na rin si Sophie dahil sa pagganap na Amber. Tinawag siyang “Black Sheep of the Year” ng mga netizens dahil sa pagiging pasaway. Pero, aminin man at hindi ng mga viewers, sa karakter niyang ito napansin si Sophie.
Kaya sige, Sophie, pasampal at pasabunot ka lang kay Carla Abellana.





Comments