CARGO MOVERS, ISINADSAD ANG HD SPIKERS SA PSL
- BULGAR

- Nov 30, 2018
- 2 min read

INILABAS ng F2 Logistics ang nakatago pa nilang lakas upang malampasan ang tikas ng Cignal HD Spikers, 25-22, 23-25, 25-14, 25-17 at palawigin pa ang winning streak sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Bacoor Strike Gym.
Namayani sina Ara Galang at Majoy Baron sa atake ng Cargo Movers, na pinalawig pa ang panalo sa lima sa prestihiyosong liga.
Nagtala si Galang ng 18 points sa 16 spikes at magkasunod na aces sa bisa ng 10 excellent receptions habang si Baron ay nagtipa ng eight kills, 5 blocks at 3 aces para sa 16 points nang umibayo ang F2 Logistics sa 7-2 win-loss record at maka-solo sa second spot.
Malaking bagay din ang 12 points ni Cha Cruz-Behag at 23 digs habang si Aby Maraño ay may 10 sa F2 Logistics na tinapos ang laro sa 1 oras at 36 na minuto.
Nakagawa si Fajardo ng 45 excellent sets habang wala sa laro si Kianna Dy dahil sa pamamaga ng tuhod at nasa burol ito ng lola niya sa Davao. “I’m happy even we lost the second set because somehow I saw the determination of my players to win the game,” ayon kay F2 Logistics head coach Ramil de Jesus.
“Even we’re not complete, they were composed.” Humabol ang Cargo Movers mula sa 17-24 deficit sa second set at idinikit sa 23-24.
Pero nagtarak si Mylene Paat ng kill sa end frame at ipinatas ang dalawang set bago nakarekober ang Cargo tungo sa panalo. Si Paat ay may tinapos na 18 puntos habang si Rachel Anne Daquis ay may 15 hits, kabilang na ang 15 excellent receptions para sa HD Spikers na lagpak sa 4-5 card. Laro Bukas: (Caloocan Sports Complex)12 pm - FEU vs CSA Biñan: 2 pm - UP vs UST: 4 pm - Petron vs Smart: 6 pm - F2 Logistics vs Generika-Ayala. (VA)





Comments