War daw sila ng GF dahil sa Kapuso actress… JM, DEDMA KAY BARBIE, TODO-SORI KAY RHIAN
- BULGAR

- Nov 29, 2018
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KASUNOD ng diumano’y hindi pagkakaunawaan ng rumored on and off screen partners na sina JM de Guzman at Barbie Imperial dahil sa ginawang panloloko raw ng aktor sa kanyang leading lady sa seryeng Araw Gabi na ipinagpalit daw kay Rhian Ramos na nakapareha ng aktor sa movie na Kung Paano Siya Nawala, kapansin-pansin din ang pag-a-unfollow nila sa isa’t isa sa kanilang Instagram account.
Hindi natapos dito ang pasabog dahil sinundan pa ito ng cryptic post ni Barbie sa kanyang Twitter account kung saan sinabi niyang: “Young but not stupid.”
Walang tinukoy ang aktres sa kanyang post, pero mukhang patama ito sa isyung kinasasangkutan nila ng aktor.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pahayag si JM para kay Barbie, pero nag-post naman ito ng pasasalamat at humingi rin ng paumanhin kay Rhian na naiipit sa isyu nila ng young actress.
Aniya, “‘Tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami. All I have for you is respect at malasakit at alam ko ganu’n ka din sa ‘kin. Salamat nakatrabaho kita. Salamat sa talento at inspirasyon. Tibay mo.. Salamat sa tulong.”
Dagdag pa nito, “Stay strong, alam ko medyo masakit na. I’m sorry. Ingat lagi kaibigan. Apir @whianwamos.”
Mukhang hindi naman nagpaapekto si Rhian sa mga pamba-bash sa kanila ni JM ng mga JuanBie fans at nag-reply ito sa post ng aktor.
Aniya, “M, i always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better. Don’t ever lose that about you. But if you ever need an extra push, you know I’ll be there for you. It ain’t easy, but thank you for the friendship and thank you for this. [flexed biceps emoji] flex em.”





Comments