top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Uy, uy, mali naman kasi 'yun… AKTRES AT BF NA AKTOR, PINAGBAWALAN NG MANAGER NA LUMANTAD, UMIYAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 29, 2018
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MAY tsikang kinausap ng kani-kanyang manager ang showbiz couple na ‘wag muna silang magkikita o magpapakita sa mga fans na magkasama para hindi masira ang love team ng aktres sa aktor na matagal na niyang katambal.

Pero, parang hindi matutuloy ang plano sana ng mga managers ng showbiz couple dahil ang aktres pa lang ang kausap nila, hindi na pumuwede ang gusto nila. Umiyak daw kasi ang aktres nang sabihin sa kanya na ‘wag muna silang magkikita ng kanyang boyfriend.

Hindi rin pumayag ang aktor na ‘wag silang magkita ng girlfriend na aktres. Ang kaibahan lang, hindi siya umiyak, nagpaliwanag lang nang maayos na hindi tama ang ginagawa sa kanila ng GF.

Anyway, nagkikita pa rin naman ang magdyowa. Ibig sabihin, epic fail ang plano sana for the couple to lie low. Nanalo ang pag-ibig, kaya ang hashtag sa showbiz couple ay #lovewins.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page