Tulad ni Maricel… CARLA, KINATATAKUTAN NA NG MGA CO-STARS


GRABE ang pananampal na ginawa ni Carla Abellana kay Sophie Albert sa eksena nila sa Pamilya Roces. Walang daya, as in matinding sampal ang inabot ni Sophie sa mga kamay ni Carla (Crystal) na inagawan niya ng asawa.
Aware kaya si Sophie na totoong sampal ang daranasin niya sa eksena nila ni Carla?
Knowing Direk Joel Lamangan na ayaw ng mga daya sa eksena, asahan na marami pang pasabog na magaganap sa Pamilya Roces.
Pati na si Rocco Nacino, eh, kinakastigo ng mga viewers dahil sa pagiging two-timer husband.
Si Carla naman, level-up na kina Celia Rodriguez at Maricel Soriano na tiyak, katatakutan nang makaeksena ng mga kapwa niya artista.





Comments