Not once but many times na… JAMES AT NADINE, NANG-ISNAB NA NAMAN NG FAN NA NAGPAPA-SELFIE
- BULGAR

- Nov 29, 2018
- 1 min read

NASA hot water na naman ngayon ang magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre dahil sa viral video ng diumano’y pang-iisnab nila sa isang male fan na gustong magpa-selfie sa kanila.
Nang ma-post sa social media ang naturang video, maraming netizens ang nakisawsaw at nag-comment at ikinumpara pa ang JaDine sa ibang love teams na KathNiel at LizQuen.
Sabi ng isang netizen na may handle name na loverhaterbiatch, “Deeling (Feeling) maganda at sikat kasi… ‘yung Liza at Kathryn nga, accommodating tapos siya na wala pa sa kalingkingan nu’ng dalawa, malditera (read: maldita) at isnabera.”
May isang netizen naman ang nag-comment na kaya nalaos ang JaDine ay dahil masama ang ugali ng mga ito.
Kung matatandaan, hindi ito ang first time na naakusahang nang-isnab ng fans sina James at Nadine.
Dedma pa rin kaya ang Viva Artists Agency na humahawak sa career ng JaDine sa bagong akusasyon sa kanila?





Comments