MANILA TRAINING NI PACMAN SINIMULAN NA VS. BRONER


NAGSISIMULA nang magsanay si Manny Pacquiao para sa nalalapit niyang laban kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa 2019.
Tumatakbo siya sa paligid ng Forbes Park sa Makati City ng ilang oras sa umaga malapit sa kanyang tahanan at makaraan ay magtutungo na sa Elorde Boxing Gym sa Pasay City.
Humalili muna sa paggabay sa training ni Pacman si American condition coach Justin Fortune at assistant trainer Roger ‘Haplas’ Fernandez habang wala si chief trainer Buboy Fernandez.
Magtatagal ang training niya sa Manila hanggang sa pagsasara ng senado sa Dis. 12 bago siya babalik sa General Santos City para ituloy ang training.
Sa Disyembre 22 na ang lipad niya patungo ng Los Angeles, California para sa final training. Nagagamay na rin daw ng fighting Senator ang paghahati ng kanyang oras bilang Senador at bilang boksingero. (MC)





Comments