LIFESAVERS, PAKAY ANG 6 STRAIGHT WIN SA PSL


PAKAY sa mainit na laro ng Generika-Ayala na palawigin ang kanilang winning streak sa sandaling makaharap na ang Cocolife Asset Managers sa Philipine Superliga All-Filipino Conference mamayang hapon sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.
Magsisimula ang laro ng 7 p.m. kung saan target ng Lifesavers na sungkitin ang ika-6 na diretsong panalo sa prestihiyosong women’s club tourney.
Samantala, nais naman ng Foton Tornadoes na makaresbak mula sa pagkatalo sa Petron Blaze Spikers kontra Smart ng 4:15 p.m. habang mauuna munang magbakbakan ang F2 Logistics at ang Cignal HD Spikers ng 2 p.m. sa eksplosibong triple-header na isinasaere sa ESPN5. (MC/VA)





Comments