top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabulgar… RICHARD, 'NAPILITAN' LANG SA MOVIE NILA NI SHARON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2018
  • 2 min read

SA episode ng Magandang Buhay nu’ng Lunes (Nov. 26), naging espesyal na panauhin sa nasa­bing morning talk show hosted by Melai Canti­veros, Karla Estrada at Jolina Magda­ngal si Megastar Sharon Cuneta.

Ikinuwento ni Sharon ang mga nang­yari sa pagbabalik-tambalan nila ni Richard Gomez sa Three Words to Forever matapos ang 15 years.

“Ang hirap dahil 15 years kaming hindi nagkasama sa movie. Ang daming nangyari. Nag-asawa na ako, nag-asawa na siya. Pero at least, nakagawa pa kami, kahit may asawa na kami, ‘yung Minsan Mina­hal Kita at saka ‘yung Walang Kapalit.

“So, now is the 30th year ng Sharon-Richard love team. So, nakakapanibago, kasi mayor na siya,” pahayag ng Megastar sa mga momshie hosts.

Ang pelikulang Three Words to Forever ang muling nagbalik sa tambalang Sharon-Richard.

Pag-amin ni Sharon, nailang at nanibago siya sa muling pagsasama nila ng dating ka-love team.

“Nakakailang lang, kasi people change, as they both mature.

“Parang basta… naninibago ako. ‘Yung tawag ko nga, ‘If he is still my Richard?’ When I say ‘my Richard’, ‘yung kilala ko, ‘yung nakasanayan ko,” sabi ni Sharon.

Dagdag ng Megastar, isa sa mga dahilan kung bakit napili ang Ormoc bilang lugar ng kanilang shooting ay para ma-accommodate si Goma bilang mayor sa nasabing lugar.

Ayaw kasing pumayag ni Mayor Goma na iwan ang kanyang nasasakupang lugar para lamang gumawa ng pelikula away from his constituents, kaya’t pumayag ang Star Cinema na kunan on location sa Ormoc ang lahat ng eksena.

Dito napahanga ni Richard ang Megastar.

“I’m so amazed how devoted he is at dedicated sa kanyang pagiging public servant. Pero, he’s still one of the best actors that I know.”

Kasama rin sa cast sina Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra, Liza Lorena at Joross Gamboa mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page