top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung dati raw, siya ang may ganu'n, 'di na ngayon… IBINULGAR NI SHARON: GOMA, MAY MANSIYON S

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2018
  • 2 min read

MALALIM ang hugot ni Megastar Sharon Cuneta nu’ng i-analyze niya ang sitwasyon nila sa buhay ngayon ng ex-boyfriend niya at leading man sa Three Words to Forever na si Richard Gomez.

Dati raw kasi, siya ang nakatira sa posh subdivision sa Makati City na Das­mariñas Village and lived there for 40 years at mayor ng Pasay City ang yumao niyang ama na si Pablo Cuneta.

But now, naibenta na ang bahay nila sa Dasma at si Richard naman ang may bahay sa yayamaning subdivision na Forbes Park. And then, mayor na rin si Goma sa Ormoc City.

Although, ‘di naman miserable ang buhay ni Mega sa aspetong pinansiyal. Nakatira pa rin siya sa isa sa mga super-sosi ring condominium sa Makati na halos katapat lang din ng Forbes and Dasmariñas Village.

Ayon sa showbiz news noon, ‘di raw type ni Mayor Cuneta si Goma para kay Mega. Kasi nga, may ‘image’ na pa-easy-go-lucky at lapitin ng babae si Richard. But now, napatunayan naman ni Goma na image lang niya ‘yun pero knows niya how to save his money.

Parang ang tsika noon, si Mommy Elaine Cuneta ang may gusto kay Richard for Mega. Pero dahil sa kagustuhan ni Mega to be a good daughter sa kan­yang nagkakaedad na ama, nakipag-break siya kay Richard.

Anyway, wonderful ang description ni Richard kay Sharon bilang girlfriend no­on. Say nga ni Sha­­ron, lahat kasi, natiis niya kay Goma no­ong magsyota sila. But promised herself na ‘di na niya ga­gawin ‘yun bi­lang girlfriend sa susu­nod na maka­ka­­re­las­yon niya.

Ang Three Words to For­ever ang balik-tambalan nina Sharon at Richard after 14 years, directed by Cathy Garcia-Molina.

Curious naman kami kung isasama nina Sharon at Richard ang kanilang respective partners in life now na sina Sen. Francis Pangilinan and Ormoc City Congw. Lucy Torres sa premiere night.

Pero malamang, ‘di pababayaan si Kathryn ng boyfriend niyang si Daniel Padilla na walang escort sa premiere night, huh?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page