top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

KANINO KA SA DO-OR-DIE GAME NG UP AT ADAMSON?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2018
2 min read

HULING finals slot at ang pagkakataong makaduwelo ang reigning titlist Ateneo de Manila ang nakatakdang pag-agawan ng University of the Philippines at Adamson University sa kanilang do-or-die game ngayong hapon sa pagtatapos ng Final Four round ng UAAP Season ‘81 basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Nakahirit ang Fighting Maroons ng knockout game matapos burahin ang twice-to-beat advantage ng no.2 seed Falcons sa pamamagitan ng 73-71 pag-ungos sa una nilang Final Four match. Parehas na nagnanais na muling makapasok ng kampeonato pagkaraan ng mahabang paghihintay, magtutunggali muli ang Fighting Ma­roons at ang Falcons ngayong alas-3:30 ng hapon.

Pagsisikapan ng Adamson na huwag mauwi sa wala ang mga pinaghirapan nila para tumapos na pangalawa sa eliminations at ang natamong pagkakataong makaabot ng Finals.

Sa kabila ng pagkatalong natamo sa nakaraan nilang laro, nananatiling positibo ang Falcons sa kanilang tsansa.

“We were down the whole game but when we started playing the right system, the right brand of game, we were able to get back the lead. But we shot bad,” wika ni Adamson coach Franz Pumaren patungkol sa kanilang ipinakitang laro na nangangahulugan aniya na may malaki silang pag-asa para makamit ang panalo.

Inaasahan ni Pumaren na magiging klasiko ang huling duwelo nila ng UP sa taong ito. “Both teams are gunning for history, us making the finals, same thing with UP. It’s gonna be a fun game. It’s gonna be a classic game,” dagdag ng Falcons mentor. Sa panig ng UP, tiyak ding hindi nila basta-basta pakaka­walan ang nakamit na tsansang makapasok ng finals sa unang pagkakataon pagkaraan ng halos apat na dekada.

Kaparis ng nakaraan nilang laro, sasandigan ng Maroons sina season MVP Bright Akhuetie, graduating captain Paul Desiderio at Mythical Team member Juan Gomez de Liaño upang pangunahan sila patungo sa kampeonato. Sa unang laro, magtatangka ang University of Santo Tomas na ipagpatuloy ang kanilang Cinderella run sa pagtutuos nila ng second seed Far Eastern University Lady Tamaraws para sa karapatang hamunin ang reigning champion National University sa women’s finals ng 11 a.m. (VA)

Mga Laro Ngayon:Araneta Coliseum

11 a.m. – UST vs FEU (Women Semis)

3:30 p.m. – UP vs AdU (Men Semis)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page