top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

In fairness, 'di lang naman 1 week ang pag-ibig nila… SINGER-ACTRESS, TODO-KAYOD, TF SA MGA SHO

Erlinda Rapadas
Nov 28, 2018
1 min read

BLIND ITEM:

ALAM na alam ng buong showbiz world ang ku­wento sa love life ng isang sikat na singer-actress na nauwi lang sa paghihiwalay.

Ilang taon ding tiniis ng singer-actress ang pagdurusa sa piling ng lalaking kanyang pinakasalan na akala niya ay perfect na prince charming. Nagkaroon sila ng isang anak, na sandali lang nag-artista.

Guwapo, matangkad, macho at muk­hang yayamanin ang guy na pinakasalan ng singer-actress. Tipong “ladies’ man” ang lalaki, kaya akala ng mga kaibigan ng singer-actress ay suwerte siya na na-in love ito sa kanya.

Ang kanyang mister na rin ang tumatayong manager ng singer-actress na sobrang in demand noong nag­pakasal sila. Ang mister ang tanggap nang tanggap ng mga shows para sa singer-actress.

Ang siste, lahat ng kinikita ng singer-actress ay na­kadiretso agad sa kanyang mister after the show. Binibigyan lang siya ng allowance na para sa kanyang sarili. Minsan, pati allowance ay hindi na nasusunod ibigay, kahit na ang singer-actress ang halos namamaos na sa kakakanta sa mga shows.

Nauubos ang kinikita ng singer-actress dahil nagka-casino pala ang kanyang mister.

Nang matauhan ang singer-actress, dumiskarte na rin siya. Hindi na sinasabi sa mister ang totoo niyang talent fee na nata­tanggap sa mga shows. Binaba­wasan na muna niya ito bago ientraga sa mister. Hindi nagtagal, humi­walay na si singer-actress.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page