SULTAN AT VILLANUEVA, NAKABAWI SA UNDERCARD NG PINOY PRIDE 45
- BULGAR

- Nov 27, 2018
- 1 min read

NAGTAPOS sa majority draw ang 10-round bantamweight fight sa pagitan nina two-time world title challenger Arthur Villanueva at Carlo Demecillo. Nagpasya sina referee Arnie Najera at Niel Papas sa 95-95 draw habang sina Noel Flores ay may 96-94 iskor para kay Demecillo.
Sa tikas ni Villanueva at counter punching style ni Demecillo, ang bakbakan ay naging isang tactical fight at naging utakan ang laban.
Napagwagian naman ni Jonas Sultan ang comeback fight makaraan ang nabigong world title fight sa bisa ng unanimous decision victory laban kay Ardin Diale sa laban na estilong bugbugan sa kalye ang upakan.
Si Sultan ang higit na kinakitaan ng bangis sa palitan ng upakan at siyang itinanghal na nagwagi sa iskor na 98-92, 98-92 at 97-93. Pinag-ibayo ni Sultan ang kanyang record sa 15 wins, 4 na talo at 9 stoppages, lagpak naman ang record ni Diale sa 34-13-4, 16KOs.
Ikalawang pro victory ang nahablot ni Fil-Japanese Go Hosaka kontra journeyman Jason Tinampay na bihasa sa kanyang ring antics. Mas umiral ang husay sa pang-uutak ni Tinampay kaysa ang magpakawala ng maraming suntok.
Sa 8-round scheduled super flyweight bout, inaralan ni Lorenz Ladrada si Audie Dacua ng tunay na boksing na ikinatalo ni Dacua sa draw at nabigo sa unanimous decision.
Sa matchup ng dalawang debutants, napagwagian ni Regie Suganob ng Bohol ang una niyang professional fight sa bisa ng TKO sa two rounds matapos na sumuko si Mark Torella ng Talisay kay Suganob, nagpakita ng lakas sa opensa, kinorner si Torella at saka bumigwas ng malalakas na upak sa ulo. (MC)





Comments