OLATS ULI ANG GILAS SA TUNEUP KONTRA LEBANON

MULING natalo ang Gilas Pilipinas noong Linggo ng gabi sa kanilang tune-up para sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa kamay ng Lebanon, 71-60, sa laro na ginanap sa Meralco Gym.
Lumayo nang tuluyan ang Lebanon sa huling bahagi ng laro upang makuha ang sweep kontra sa Gilas Pilipinas sa kanilang dalawang tune-up na laro.
Nagtapos ng 1-3 kartada ang Gilas Pilipinas sa kanilang mga tune-up game ngunit hindi nagpakita ng pangamba si head coach Yeng Guiao sa mga talo nila. “Okay na ‘yun. Of course, we wanted to win. Gustong-gusto naming manalo. Kaya lang, it’s difficult also for me to rotate 14 people. Na-cut ko na ‘yan mula sa 19. Ginagawa ko na lang na alternate ‘yung iba. When we are a solid 12, it’s easy for me to prepare them. Sabi ko, sapat na ‘yung four games. Yung competitive nature nila, ‘yun ang medyo disappointed ako na I felt na they could have exerted more effort,” saad ni Guiao.





Comments