Mega generous talaga… SINGSING NA REGALO NI SHARON KAY REGINE, MILYON ANG HALAGA
- BULGAR

- Nov 27, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HALOS P1 million daw ang presyo ng singsing na ibinigay ni Megastar Sharon Cuneta sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang inaawit nila ang hit song ni Mega na Bituing Walang Ningning sa concert ng Asia’s Songbird na Regine At The Movies last Saturday (November 24) sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Napag-alaman na customized ring ito na hango sa singsing ni Kim Cartall sa pelikulang Sex and The City na ginawa ng jeweler na si Candy Dizon ng Jul B. Dizon jewelry.
Gawa raw ang diamond ring sa 8 carats na diamond at isinet sa 18 karat white gold na ang halaga nga ay halos isang milyong piso.





Comments