Makesong kapaskuhan, salubungin ng #GiveGoodness

HELLO, Bulgarians! Kilala tayong mga Pinoy bilang pinakamahabang mag-celebrate ng Pasko. Dahil pagtuntong pa lang ng “ber” months ay makikita na sa bawat bahay ang kumukuti-kutitap na ilaw at Christmas Tree.
Bukod dito, kilala rin tayo sa pagiging matulungin at sa bayanihan. Kaya naman, wala ng mas hihigit pa sa pagbibigay ng saya at pagmamahal ngayong kapaskuhan.
Ang pagmamahal nating mga Pilipino sa isa’t isa ay madalas nating ibinubuhos sa pagluluto kaya hindi mawawala sa bawat selebrasyon ang kainan! Nandiyan ang lechon, spaghetti, kaldereta, embotido, fruit salad at marami pang iba! Pero, kulang ang Pasko kung walang nakahain na leche flan na paborito nating lahat at ngayong darating na kapaskuhan, mas pinabongga pa ng Eden Cheese ang all time favorite nating dessert.
Ang creamy at delicious Eden Cheese ang kukumpleto sa inyong leche flan dahil swak na swak sa ating panlasa ang combination ng sweetness ng leche flan with a twist ng creaminess ng Eden Cheese. At hindi lang ito sa leche flan lalong nagpapasarap kundi pati na rin sa kaldereta, spaghetti at fruit salad na nagpapadagdag-linamnam sa bawat pagkain na perfect sa lahat ng okasyon.
Kaya ang Eden Cheese, hindi rin magpapahuli sa pagbibigay ng goodness sa bawat isa sa atin lalo ngayong kapaskuhan dahil sa kampanya nilang ‘share your blessings’ sa inyong mga kapitbahay! Ngayong kapaskuhan, hindi lang pagmamahal ang ating ibinabahagi kundi pati na rin ang ating mga pagkain. Sabay-sabay tayong mag-celebrate na parang isang buong pamilya at sabay-sabay damahin ang creaminess na dala ng Eden Cheese!
Para sa iba pang detalye at recipe, maaaring bisitahin at i-follow ang kanilang Facebook Page sawww.facebook.com/EdenCheesePH at @edencheeseph sa Twitter at Instagram.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments