Kasamang nag-bonding sa Boracay… CALVIN, TANGGAP NA NG MADIR NI VICE
- BULGAR

- Nov 27, 2018
- 1 min read

AMININ, iba na talaga ang panahon ngayon. Sa ayaw at sa gusto ng mga conservative nating kababayan, hindi na talaga maawat ang pagpi-PDA kahit ng mga sinasabing relasyon na hindi tanggap ng lipunan.
See, kahit anong batikos ng ilang netizens kina Vice Ganda at Calvin Abueva, wa’ sila care at tuloy lang sila sa kanilang happy moments together.
Ang latest ngang viral video ng rumored couple ay kuha sa Boracay kung saan makikitang partying ang dalawa sa isang bar kasama ang kanilang mga kaibigan.
At base sa kumalat na picture sa social media kung saan kasama rin ni Vice ang kanyang nanay, obviously ay tanggap na ni Mader ang bagong nali-link sa kanyang anak na Phoenix player.
Eh, siyempre, nanay ‘yun kaya kung saan maligaya si Vice, natural lang na suportahan niya lalo’t mabuting anak naman ang gay comedian.
Marami namang fans ni Vice ang nagsasabing deserve ng Unkabogable Star na maging masaya kaya suportado nila ang ‘happiness’ nito ngayon sa piling ni Calvin Abueva.





Comments